^

PSN Palaro

PSC masaya sa kampanya sa Busan

-
Matapos ang kampanya ng bansa sa 14th Asian Games sa Busan, South Korea, ang susunod na pagtutuunan ng pansin ng mga pangunahing sports officials ng bansa ay ang susunod na laban ng mga atletang Filipino sa 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam sa susunod na taon.

"We’ve only just begun," ani Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain kahapon sa pagbabalik ng lingguhang PSA Forum sa Holiday Inn.

Tumapos ang Philippines ng 3 gold, 7 silver at 16 bronze medals sa nakaraang Asiad at ito ang pinakamalaking produksiyon ng bansa sa nakaraang 16 taon.

Naka-tatlong gold din ang RP athletes sa 1994 Hiroshima Asian Games hatid nina boxers Mansueto Velasco, Elias Recaido at Reynal-do Galido.

Sinabi ni Buhain na panahon na para iangat ng mga lokal na opisyal ang antas ng standard para sa mga atleta para sa Vietnam SEA Games, 2004 Athens Olympics at 2005 SEA Games sa Manila.

Nasa Forum din sina Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit, Busan Asiad chief of mission Tom Carrasco at PSC commissioner Butch Ramirez.

Sinabi ni Dayrit na masaya ito sa naging performance ng mga atleta at ang pagkampanya ng mga Pinoy sa Busan ay magiging kapaki-pakinabang para sa kanilang pagsabak sa susunod na SEA Games.

"The performance of our athletes (in Busan) is something we’re happy about but not satisfied because we were expecting a little more." ani Dayrit.

ASIAN GAMES

ATHENS OLYMPICS

BUSAN

BUSAN ASIAD

BUTCH RAMIREZ

CELSO DAYRIT

DAYRIT

ELIAS RECAIDO

ERIC BUHAIN

HIROSHIMA ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with