Tumapos si Sunday Salvacion ng 18-puntos kabilang ang apat na triples habang naghatid naman ng mahahalagang puntos sina Jon Dan Salvador at Gary David na nagbalik sa Jewelers sa pamumuno taglay ang 4-1 card.
Makukuha ng Montana ang no. 1 spot sa crossover semis kung tatalunin nila ang Blu All-Purpose ngayon.
Bumagsak ang Cheeseballs sa ikalawang puwesto makaraang tapusin ang kanilang kampanya sa eliminations taglay ang 4-2 record.
"One more win and were going to get the top spot into the semis. But judging on the strength of the teams here, being no. 1 is not much of an advantage againts the no. 4 team. So we have to be more cautious, and give more than 100% againts Blu, " ani Montana head coach Ronnie Dojillo.
Naging mahigpit ang labanan sa endgame nang umiskor ng split free-throw si Mark Abadia mula sa foul ni David upang ibigay sa Regent-Shark ang 58-55 kalamangan, 1:01 na lamang ang natitirang oras sa laro.
Ngunit umiskor ng undergoal stab si Salvador habang naka-steal naman si David mula kay Warren Ybanez na kanyang idineretso sa basket upang kunin ang trangko sa 59-58, 26 segundo na lamang.
Nakuha ng Montana ang posesyon matapos ang mag-kasunod na mintis ni Nelbert Omolon at Rysal Castro ngunit muling nakakuha ng tsansa ang Regent-Shark na agawin ang panalo nang pumaltos ang dalawang charities ni David mula sa foul ni Castro, 8-segundo na lamang ang natitira.
Gayunpaman, kinapos ang buzzer-beating attempt ni Ybanez na tuluyang nagkaloob sa Montana ng tagumpay.