Dumating sa bansa ang 115 RP contingent na pinangunahan ni Mikee, at ang tandem nina Paeng Nepomuceno at RJ Bautista, na nanalo ng gold medal sa mens double event ng bowling noong Miyerkules ng gabi sa Centennial Terminal 2 sakay ng Philippine Air Lines flight PR 417.
Kasamang dumating ni Mikee ang kanyang asawang si Robert Du-dut Jaworski Jr., ang kanyang amang si Jose Peping Cojuangco dating Tarlac representative, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Eric Buhain at ang equestrian teammates na sina Toni Leviste, Michelle Barrera at Danielle Cojuangco.
Kasama sa welcome party si dating Pangulong Corazon Aquino, Philippine Sports Commission president Butch Tuason, Tarlac governor Margarita Cojuangco, Sen.Robert Jaworski at ang dalawang anak ni Mikee na sina Robee, tatlong taon at ang 9-na buwang gulang na si Rafael.
Tuwang-tuwa at buong pagmamalaking iwinawagayway ni Mikee sa mga tao sa airport ang kanyang gold at silver medals habang naglala-kad ito patungong dignitaries lounge kung saan ginanap ang isang press conference.
"We are humbled by Gods powers to have gone this far. Hindi kami puwedeng magyabang. Hindi namin puwedeng sabihin na nakuha namin ito (gold at silver medals) dahil magagaling kami, kundi dahil ipinagkaloob ito ng Diyos," wika ni Mikee.
"I humbly offer these medals to God, to my countrymen and to my family who served as my inspiration," dagdag pa ni Mikee.
Pinanalunan ni Mikee ang gold medal sa show-jumping individual competition sa equestrian event sakay ng kanyang kabayong si Rustic Rouge tatlong araw matapos mapanalunan ang silver medal sa team competition kasama sina Leviste, Barrera at Danielle Co-juangco.
Samantala, bagamat walang naiuwing medalya ang mens basketball team, buong kasabikan pa rin silang sinalubong ng kanilang mga tagahanga. "We are proud of you!" anang banner na nakasabit sa bukana ng arrival area.
Walang alibi si team manager Jun Bernardino sa pagkakatalo ng kan-yang team. "We did our best, and Im proud of this team. They gave their best shot but lady luck was not on our side. Our only consolation is we gave Korea a run for their money. You can not beat Korea when you are in Korea. They proved that twice, they beat us and they beat China. That tells it all," wika ni Bernardino.
Sinabi ni Bernardino na kailangang magkaroon ng long range plan ang mga sports official nang sa ganoon ay mahigitan pa ng Pilipinas ang 3-7-16 medal haul ng bansa, ang pinakamagandang medal showing ng RP pagkatapos ng 16 na taon. (Ulat ni Butch Quejada)