Nakakolekta ang bansa ng tatlong ginto, pitong pilak at 16 tanso sa 14th Asiad at ito ay isang malaking progreso kaysa sa nakaraang 1994 Hiroshima Games kung saan ang mga atletang Filipino ay nakakuha ng tatlong ginto, dalawang pilak at 8 tanso.
Kabilang sa natamong medalyang ginto ay nakuha ni Mikee Cojuangco-Jaworski na nagsabing kung sana ay mas malaking suporta ang nakuha ng mga atleta sa gobyerno maaaring mas mahusay pa ang nagawa ng mga atleta.
Tumangging magbigay ng pahayag si Press Secretary Ignacio Bunye sa obserbasyong ito ni Mikee na nagwagi sa equestrian individual showjumping.
Ang equestrian team na kinabibilangan ni Mikee ay hindi sana nakasali sa torneo dahil wala silang performance record.
Subalit para makalahok sa kompetisyon, sila ang sumagot sa kanilang pasahe at iba pang gastos sa kompetisyon simula noong Setyembre 18.
Bukod sa gintong naitala ni Mikee, mayroon din itong ambag sa silver na nakuha ng equestrian team kasama sina Toni Leviste, Danielle Cojuangco at Michelle Barrera. (Ulat ni L.A.Tolentino)