^

PSN Palaro

Malacañang natuwa sa produksiyon ng RP athletes mula sa Asiad

-
Ikinalugod ng Malakanyang ang pagtaas ng bilang ng natamong medalyang ginto, pilak at tanso na naitala ng mga atletang Filipino sa katatapos lamang na Asian Games sa South Korea.

Nakakolekta ang bansa ng tatlong ginto, pitong pilak at 16 tanso sa 14th Asiad at ito ay isang malaking progreso kaysa sa nakaraang 1994 Hiroshima Games kung saan ang mga atletang Filipino ay nakakuha ng tatlong ginto, dalawang pilak at 8 tanso.

Kabilang sa natamong medalyang ginto ay nakuha ni Mikee Cojuangco-Jaworski na nagsabing kung sana ay mas malaking suporta ang nakuha ng mga atleta sa gobyerno maaaring mas mahusay pa ang nagawa ng mga atleta.

Tumangging magbigay ng pahayag si Press Secretary Ignacio Bunye sa obserbasyong ito ni Mikee na nagwagi sa equestrian individual showjumping.

Ang equestrian team na kinabibilangan ni Mikee ay hindi sana nakasali sa torneo dahil wala silang performance record.

Subalit para makalahok sa kompetisyon, sila ang sumagot sa kanilang pasahe at iba pang gastos sa kompetisyon simula noong Setyembre 18.

Bukod sa gintong naitala ni Mikee, mayroon din itong ambag sa silver na nakuha ng equestrian team kasama sina Toni Leviste, Danielle Cojuangco at Michelle Barrera. (Ulat ni L.A.Tolentino)

ASIAD

ASIAN GAMES

BUKOD

DANIELLE COJUANGCO

HIROSHIMA GAMES

MICHELLE BARRERA

MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI

PRESS SECRETARY IGNACIO BUNYE

SOUTH KOREA

TONI LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with