Nakatanggap ang higante ng China na si Yao Ming ng kahalintulad ng estilo ng National Basketball Association sa intensidad na ibinigay ng host country na sapat na at hindi niya nagawang supilin ang may kaliitang Korean sharpshooters na siyang naging daan upang magwakas ang paghahari ng China bilang Asian hoop kings.
Tumapos ang malaking tao ng Korea na si Kim Joo-Sung ng 21 puntos upang tapatan ang opensa ni Yao, habang nagdagdag naman sina Hyun Joo-Yup at Chun Hee-Chul ng tig-20 puntos sa ginawang malaking pagyanig ng Korea sa Asian Games greatest basketball upset.
Pinangunahan ni Yao ang China sa kanyang ipi-nintang 23 puntos at 22 rebounds, habang nag-ambag naman si Liu Yudong ng 22 puntos.
Isang tres ni Seo Jang-Hoon may 18 segundo sa overtime ang nagbigay sa Korea ng 93-90, ang kanilang kauna-unahang kala-mangan matapos ang opening basket.
Kumunekta sina Hyun Joo-Yap at Moon Kyung-Eun ng back-to-back baskets ang siyang naglagay sa Korea sa kampanteng katayuan sa 99-94, may 1:48 ang nalalabi sa laro.