^

PSN Palaro

China silat sa Sokor

-
BUSAN, SouthnKorea – Winakasan ng determinadong South Korea ang 20-taong tag-tuyot kontra sa China sa pamamagitan ng 102-100 overtime na panalo at ibulsa ang Asian Games men’s basketball gold medal dito noong Lunes.

Nakatanggap ang higante ng China na si Yao Ming ng kahalintulad ng estilo ng National Basketball Association sa intensidad na ibinigay ng host country na sapat na at hindi niya nagawang supilin ang may kaliitang Korean sharpshooters na siyang naging daan upang magwakas ang paghahari ng China bilang Asian hoop kings.

Tumapos ang malaking tao ng Korea na si Kim Joo-Sung ng 21 puntos upang tapatan ang opensa ni Yao, habang nagdagdag naman sina Hyun Joo-Yup at Chun Hee-Chul ng tig-20 puntos sa ginawang malaking pagyanig ng Korea sa Asian Games’ greatest basketball upset.

Pinangunahan ni Yao ang China sa kanyang ipi-nintang 23 puntos at 22 rebounds, habang nag-ambag naman si Liu Yudong ng 22 puntos.

Isang tres ni Seo Jang-Hoon may 18 segundo sa overtime ang nagbigay sa Korea ng 93-90, ang kanilang kauna-unahang kala-mangan matapos ang opening basket.

Kumunekta sina Hyun Joo-Yap at Moon Kyung-Eun ng back-to-back baskets ang siyang naglagay sa Korea sa kampanteng katayuan sa 99-94, may 1:48 ang nalalabi sa laro.

ASIAN GAMES

CHUN HEE-CHUL

HYUN JOO-YAP

HYUN JOO-YUP

KIM JOO-SUNG

LIU YUDONG

MOON KYUNG-EUN

NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION

SEO JANG-HOON

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with