Yan ang tinapos ng Philippine delegation sa kanilang kampanya dito sa pagsasara ng 44-nation, 14th Asian Games.
Magandang tingnan kung ikukumpara sa dating tinapos ng bansa sa 1998 Asian Games sa Bangkok kung saan isang ginto, 5 silvers at 12 bronze ang isinukbit ng mga atleta.
Ang pinakamanining na gold ay nagmula kay Mikee Cojuangco-Jaworski nang isukbit nito ang naturang ginto sa huling araw ng 17 araw na palaro, dagdag sa gold medals na nagmula sa men's double billiards team na binubuo nina Francisco 'Django' Bustamante at Antonio Lining at ng men's bowling doubles ng tambalang 4-time world cup champion Paeng Nepomuceno at RJ Bautista.
"Although it was below our expectations, we took it on bright sides," pahayag ni Tom Carrasco, ang chef de mission, kung saan nagpredict sila ng atleast 4-5 golds.
Nakamit sana ang target na 4 hanggang limang gold medals ngunit marami ang nakawalang tsansa.
Tulad na lang halimbawa sa men's trios na binubuo nina Bautista, CJ Suarez at Chester King na lider bago matapos ang second block ngunit sa kasamaang palad ay hindi naging maganda ang mga huling tira sa pins at nalaglag sa ikalawang puwesto para din sa silver.
At tulad ng nangyari sa bowling, nagmintis din ang billiards para sa all-Pinoy finals kung saan nalaglag si Antonio Lining para sa bronze medal na hindi rin niya nakuha habang silver naman ang naiguhit ni Kiamco sa 9-ball singles event.
Hindi rin naging masuwerte ang number one Pinoy cue artist na si Efren 'Bata' Reyes sa kanyang laban sa 8-ball singles nang makuntento na lamang ito sa bronze.
Gayunpaman, may mga team at sports din ang sorpresang nakapag-deliver na hindi inaasahan.
Tulad ng men's lightweight doubles sculls team nina Alvin Amposta at Nestor Cordova sa rowing at ang all-women equestrianne na sina Danielle Cojuangco, Mikee Jaworski, Toni Leviste at Michelle Bar-rera na nag-silver sa showjumping event ng equestrian competition.
Maging ang boxing ay nakabangon din kahit konti sa kanilang masamang performance sa Bangkok Asiad kung saan lumaban sa finals si Harry Tanamor sa gold ngunit nabigo at isinuot na lamang ang silver medal para lagpasan ang bronze medal na tinapos ni Eric Canoy noong 1998.
At ang women's golf team nina Heidi Chua, Ria Denise Quiazon at Carmelette Villaroman na pinigilang makapag-ensayo sa mismong paggaganapan ng golf, ay pumalo din ng silver medal.
Ang boxing, bowling at billiards ay ang 3B's na inaasahang makakapagbigay ng karangalan sa bansa na bagamat kakarampot lamang ay napunan nila ang pangangailangan. (Ulat ni Dina Marie Villena)