^

PSN Palaro

Sandino, Relox nanguna sa Cagayan de Oro leg ng Milo Marathon

-
CAGAYAN De Oro – Pawang dinomina ng mga beteranong runners na sina Ronelo Sandino at Lisa Relox ang Milo Marathon’s regional elimination run na ginanap sa Cagayan de Oro kahapon.

Nabiyayaan si Sandino, 37-anyos kung saan siya ay nagtra-trabaho sa DOLE plantation ang pagkakadiskuwalipika ng nangungunang national athlete na si Daud Mama at Malaybalay runner Junnel Laguido na nagsagawa ng maling pag-ikot sa huling dalawang kilometro ng 20K qualifying run.

Sa women’s division, magaang na inirehistro ni Relox ang kanyang ikaapat na Milo Marathon regional trophy nang kunin ang trangko mula sa umpisa upang maunang tumawid ng finish line sa oras na 1:26:14 at ibulsa ang P10,000 na premyo.

Si Sandino ay naorasan ng 1:07:45 at P10,000 premyo at slot para sa 26th Milo Marathon finals.

Pumangalawa sina Ronilo Indapan na mayroong 1:10.08 at Rafael Tejada na nagsumite ng 11:11.03.

vuukle comment

DAUD MAMA

DE ORO

JUNNEL LAGUIDO

LISA RELOX

MALAYBALAY

MILO MARATHON

NABIYAYAAN

RAFAEL TEJADA

RONELO SANDINO

RONILO INDAPAN

SI SANDINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with