3 silver at 2 bronze pa sa RP
October 14, 2002 | 12:00am
BUSAN, South Korea Tatlong silvers at 2 bronze medals ang naidagdag sa kampanya ng Pambansang delegasyon sa penultimate day ng 14th Asian Games.
Unang naghandog ng silver ang nalalabing boksingero na si Harry Tanamor makaraang yumuko ito sa host South Korean pug na si Kim Ki Suk 24-19.
Silver lamang ang naiambag ni Marvin Sicomen makaraang yumuko sa Chinese na si Kang Yongquan 2-0 at hindi rin naging masuwerte si Rexel Nganhayna na ginapi ni Sanchai Chomphuphuang ng Thailand, 2-1 sa kanilang 52 kgs. at 56 kgs. division ng sanshou event na ginanap sa Dongseo University Minseok Sports Center.
Nakuntento naman sa bronze medal ang 14 anyos na si Arvin Ting sa changquan event at Eduard Folayang sa 65 kg. sanshou event ng wushu competition sa kanyang naitalang 9.31 pts habang pang-14th na nagtapos si Janice Huing sa womens changquan, 9.01 sa likuran ng Chinese na si Li Ao 9.45 na kumuha ng gold at 5th lang ang nakayanan ni Lily So sa nanquan event sa kanilang nalikom na 9.31 sa likod ng nagkampeon na si Huang Chunni na may 9.51.
Sa taekwondo, maagang napatalsik si Kalindi Tamayo nang yumuko kay Thi Nhung ng Vietnam na ibigay ng referee ang panalo via superiority makaraang magtabla sa 2-2 ng kanilang featherweight match. Ganundin ang sinapit ni Margarita Bonifacio sa heavyweight match niya kay Wang I Hsien ng Chinese-Taipei.
Sa iba pang resulta, wala pang binatbat ang mga bataan ni Go Teng Kok nang lumanding sa ikawalong posisyon si Christabel Martes sa womens marathon sa oras na 3:09.48 na malayung-malayo sa nangunang si Ham Pong Sil ng North Korea na dumating sa finish line sa tiyempong 2:33.35.
Kulelat naman ang 4x400m mens team relay na binubuo nina Ernie Candelario, Aing Jaime, Ronnie Marfil at Rodrigo Tanuan Jr. sa kanilang oras na 3:08.29 habang nakuha ng Saudi Arabia ang unang puwesto sa bilis na 3:02.47.
Sa mens mountain-bike cross country, pang 6th at 7th place sina Eusebio Quinones (1:58.37) at Frederick Feliciano (2:01.37), ayon sa pagkakasunod at sa diving 6th place lang ang na-dive ni Rexel Fabriga sa 10m platform diving event.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended