PBA games ipapalabas ng sabay sa NBN at IBC-13?
October 13, 2002 | 12:00am
Simultaneous telecast ng PBA games sa National Broadcasting Network at IBC-13?
Isang mapagkakatiwalaang tv executive na kasama sa naturang negosasyon ang nagsabi ng posibilidad na sabay ipapalabas ang mga laro sa PBA sa dalawang naturang networks matapos magustuhan ng PBA Board of Governors ang alok ng NBN at IBC.
Madalas ang pagpupulong ng mga opisyal ng dalawang networks sa pangunguna nina NBN Chairman Mia Concio at IBC general manager Bob del Rosario kasama ang PBA Governors na huling ginanap noong Martes sa PLDT Boardroom.
Gayunpaman, hindi sinabi ng tv executive ang halaga ng kanilang bid para sa kanilang inihaing kontrata. "I believe chances of turning down the NBN-IBC offer are very remote. At this stage, I believe its just a matter of formally signing the contract."
Kung matutuloy ito, nangangahulugang magkakaroon ng mas malawak na coverage ng PBA Games hindi lamang sa dalawang malalaking tv networks kundi pati na rin sa 33 provincial tv stations na umaabot sa 94% ng bansa.
Lalo pang nakahikayat sa PBA board ang mga perks sa offer ng NBN-IBC na kinabibilangan ng paggamit ng dalawang portable satellites para sa provincial games na makakapag-telecast ng mga laro saan mang dako ng bansa, limang OB vans na ilalaan lamang sa PBA games at ang coverage ng mga laro sa 18 radio stations sa buong bansa.
Bukod pa rito, mayroong gagamiting 12 cameras sa playing venue kabilang ang slam cams, Cam Mates and Isolation cameras bukod sa dalawang slo-mo machines.
"NBN and IBC officials have been in constant meetings so that their presentation to the PBA will be on a high level of expertise, and that will leave the PBA Board of Governors with a sense of assurance that the PBA will be in good hands for the 2003 season and beyond," paliwanag ng tv executive.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended