Silver medal para sa RP equestrian team
October 13, 2002 | 12:00am
BUSAN Hindi napunan ng isang silver at tatlong bronze ang naging kabiguan ng Philippine Basketball team sa nalalapit na pagtatapos ng 14th Asian Games dito.
Ang Nationals na isang katok na lang patungo sa finals ay lumasap ng isang nakapanghihinang 69-68 kabiguan kontra sa host South Korea bagamat umaliwalas ang kapigiliran makaraang umani ng silver ang equestrian at nag-ambag ng dalawang bronze medal ang taekwondo at isa sa wushu event.
Gayunpaman, nakahinga ng maluwag ang mga Filipino nang umakyat sa finals ang nalalabing boksingero na si Harry Tanamor at makasiguro ng isa pang silver makaraang pabagsakin ang kalabang defending champion na si Suban Pannon ng Thailand, 35-26 sa kanilang lightfly-weight match.
Bunga nito, makakaharap ng 24 anyos na taga-Zamboanga ang South Korean na si Kim Si Suk na namayani sa kanyang laban kontra kay Umarov Mekhharodj ng Tajikistan 20-5.
"Suicide na ito, laban na," pahayag ni Tanamor.
Buong ningning namang ipinagmalaki ng Philippine equestrian team na binubuo nina Michelle Barrera, Danielle Cojuangco, Mikee Cojuangco-Jaworski at Toni Leviste ang kanilang silver makaraang magtapos na may 8 penalties lamang sa showjumping event sa Busan equestrian ground.
Ang Philippines lamang ang nagpadala ng all-women sa pangmaya-mang sports na ito kung saan nakuha ng Japan ang gold at bronze sa Malaysia.
At tulad ng inaasahan, tanging bronze medal lamang ang pinakamaningning na makukuha ng Pinoy jins makaraang mag-ambag uli ng dalawa pa sina Dindo Simpao at Sally Solis.
Nakarating sa semis ng mens middleweight si Simpao makaraang magwagi kina Mohammad Akhtar ng Pakistan, 8-3 superiority sa prelims at sinundan ng isa pang panalo kay Nazari Parwiz ng Afghanistan 4-2 sa seond round ngunit nag-withdarw sa kanyang semifinal match kontra sa Korean na si Kim Kyung Hun.
Hindi naman naging masuwerte ang middleweight na si Solis na yumu-ko sa kalabang Chinese na si Z. Chen sa semis para makuntento sa bronze habang maagang napatalsik sa kontensiyon si Manuel Rivero Jr. na yumukod kay Al-Asmar-Ali ng Jordan 19-15 superiority.
Walang ring binatbat ang mga kartekas na sumabak sa aksiyon kahapon ng kapwa maagang napa-talsik sina Ernesto Halli, Ryan Bonifacio Mariano at Junel Perania.
Panglima namang dumating sa finish line si Marites Bitbit sa Mountainbike cross country finals na pinagwagian ng Chinese rider na si Ma Yanping, habang pampito sina Leonora Escollante at April Mae Penalosa sa kayak womens double 500m finals.
Muling bibigyang buhay ng wushu players ang pag-asang madagdagan ang gintong medalya ng Pilipinas makaraang umusad sa finals sina Marvin Sicomen at Rexel Nganhayna.
Assitanhin ni Sicomen na namayani kay Khamsouthone Phouk ng Laos ang ginto kontra kay Kang Yonggang ng China na nanaig kay Lee Ho Cheng ng Chinese-Taipei sa 52 kgs. habang tutumbukin naman ni Nganhayna ang ginto na nanaig kay Sarduulod Ulziibadrakh ng Thailand.
BUSAN "Not all that glitter is gold" naiiyak na pahayag ni PBA commissioner Jun Bernardino, makaraang lasapin ng All-Star PBA Philippine team ang nakapanghihinayang na 68-69 kabiguan sa kamay ng host South Korea.
"We did our best. The boys played the games of their lives" pahayag ni Bernardino na hindi mapigilan ang umiyak habang kinapanayam ng reporter na ito habang ang kanyang anak na si Nolan ay nasa isang tabi at humahagulgol din sa iyak.
" The boys deserve a pat on their shoulders. I hope the Filipinos would understand them because they did their best . And not all that glitters is gold. We were there already" aniya pa habang pinapahiran ang kanyang mga mata.
Pero pinigil ng breaks of the game kung saan, isang three-pointers ang ipinukol ni Lee, ang pinaka-popular na Korean, ang three-pointers na pumigil sa hininga ng mga Pinoy. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended