'Sorry mga kababayan
October 13, 2002 | 12:00am
BUSAN, South Korea Halos natakpan na ang homecrowd na bumubuo sa kabuuan ng Sajik gymnasium, habang nagdarasal at nag-aabang ang mga Pilipino na sana ay matapos na ang laro dahil 23 segundo na lamang ang nalalabi patungo sa pintuan ng finals makaraang magpaulan ng magkasunod na three-pointers sina Dondon Hontiveros at Olsen Racela para sa 68-66 kalama-ngan ng Philippine Basketball team nang biglang tumahimik ang kapaligiran at nagbunyi ang mga Koreans.
Ang resulta: Isang three-point play ang pinakawalan ni Lee Sang- min ang nagbigay ng ticket sa South Korea patungo sa finals, 69-68 kasabay ng pagtunog ng buzzer sa crossover semifinals match ng basketball competition dito sa 14th Asian Games.
Bago rito, naisiguro pa sana ng Pinoy ang panalo nang tumapak sa charity lane si Racela makaraang humugot ng foul kay Lee 5 segundo na lamang ang nalalabing oras. Ngunit sa kasamaang palad kapwa hindi pumasok ang dalawang bonus shot at dito nagkagulo sa pag-uunahan sa pagkuha ng bola hanggang tumama ang bola kay Bang Sung Yoon at nakuha ni Kim Soo Jung ang bola sabay ipinasa kay Lee na nakawala sa depensa at tumira sa rainbow area na nagbigay ng panalo sa Koreans.
"Sinubok namin ang lahat. It was a great game, pero, tanggap ko ang ka-malian," umiiyak na pahayag ni national coach Jong Uichico, matapos ang isang nakapanlulumong kabiguan sa may dugout kung saan lahat ng players, coaching staff, Filipino reporters at maging si PBA commissioner Jun Bernadino at anak na si Nolan ay hindi maitago ang pag-iyak.
"We apologize to the Filipinos back in our country for not making it to the championships.I hope they would understand us. We did our very best, but were only humans who made mistakes," dagdag pa ni Uichico na nagsabing alam niyang may dalawang time-outs at dalawang fouls to give pa silang natitira kontra sa Koreans na maaring nagbigay sana ng kakaibang resulta sa laban.
Ngunit hindi dapat ikahiya ng mga kapwa Filipino ang kanilang kabiguan dahil ibinuhos na nila ang lahat ng kanilang kakayahan at kakaibang laro ang kanilang isinagawa.
Hindi maikakaila na naging isang mahigpit na kalaban din ng Nationals ang ilang no-calls at maling tawag ng dalawang referee na isang taga-Czhechoslovakia at Qatari na sila rin ang naging reperi sa laban ng Philippines at Japan kung saan sa unang bahagi pa lang ay tinawagan na ng 11 fouls ang mga Pinoy. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 20, 2024 - 12:00am