^

PSN Palaro

Equestrian team 4th lang, pero kumpiyansa pa rin

-
BUSAN -- Kumpiyansa at punumpuno ng pag-asa ang Philippines equestrian team makaraang tumapos na pang-apat na may 4 penalty points sa unang round ng dalawang araw na equestrian team show jumping competition na ginanap sa Busan equestrian round dito 14th Asian Games.

Sa pangunguna ni Mikee Cojuangco Jaworski at ng kanyang pamangkin na si Danielle Schulze Cojuangco na kapwa malinis na tinalon ang kanilang rounds sakay ng kanilang mga kabayong sina Ascot T at Rustic Rouge, ayon sa pagkakasunod.

Ngunit ang Olympian na si Toni Leviste sakay ang Nazli ay may isang fault sa pagtatapos ng naturang rounds sa likuran ng mga lider na Japan at Korea at No. 3 Malaysia ng isang puntos na may apat ding penalties.

"We’ll have to jump clean and pray that the Japanese and Koreans make mistakes for us to a shot at the gold," pahayag ni Leviste.

"I’m happy with the results, but we won’t know the final outcome until tomorrow (today)," pahayag naman ni Mikee.

Buo ang suporta mula sa mga kamag-anak ang mga Cojuangcos na kina-bibilangan ng kanyang asa-wang si Dudut Jaworski, amang si dating Congressman Peping Cojuangco, Danding at Gretchen Co-juangco, mga magulang nina Danielle at Paolo na sina Congressman Mark at Miki Cojuangco at ang ina ni Toni na si Celia.

Ang team event ang magsisilbing qualifier para sa individual competition bukas at sa Lunes kung saan ang top 20 riders ang aabante, ngunit ang top three lamang mula sa bawat bansa ang papasok. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ASCOT T

ASIAN GAMES

CONGRESSMAN MARK

CONGRESSMAN PEPING COJUANGCO

DANIELLE SCHULZE COJUANGCO

DINA MARIE VILLENA

DUDUT JAWORSKI

GRETCHEN CO

JAPANESE AND KOREANS

MIKEE COJUANGCO JAWORSKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with