Llavanes nangunguna pa rin
October 12, 2002 | 12:00am
Napanatili ng sixth seed National Master Ronald Llavanes ang kanyang kapit sa solong liderato nang kanyang dispatsahin ang kapwa master at ranked No. 2 na si Mirabeau Maga sa 27 moves ng Pirc noong Huwebes ng gabi sa penultimate round ng Codiñera Memorial Chess Championships open section na ginaganap sa 3rd Flr., ng J & F Divino Bldg., na matatagpuan sa #967 Aurora Blvd., malapit sa Anonas St. sa Quezon City.
Tangan na ngayon ni Llavanes ang malinis na limang puntos matapos ang limang sunod na panalo kung saan nangangailangan na lamang siya ng draw upang maisubi ang korona ng 6-round Swiss annual event na ito.
Nakadikit sa kanya na may tig-apat na puntos sina National Masters Robert Suelo Jr., Rolly Martinez at Dante Zuñiga.
Tinalo ni Suelo ang kapwa master na si Joseph Sanchez sa 38 moves ng Sicilian Variation; nanaig naman si Martinez sa kalabang veteran campaigner na si Edmundo Gatus, habang sinibak ni Zuñiga si Verth Alora sa 30 sulungan ng Kings Indian defense.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended