Magkakaroon ng magka-hiwalay na kategorya para sa mga ordinaryong sports enthusiasts at adventure sports lovers na nais lamang magkaroon ng ekspiryensiya.
Bukod sa Advance category (dating Elite) para sa regular adventure sports jocks, magkakaroon ng Fun at Media categories na may maigsing version ng Advance race course.
Ang Advance category ay may 100-kilometrong 24-oras na karera kung saan sa Cebu City leg, nasukat ang lakas at talino ng 15 participating teams sa ibat ibang events tulad ng running, biking, swimming, kayaking at rappelling.
Ang mga race courses ng Urban jungle ay disenyo ng dalawang kilalang adventure racers na sina Thumbie Remigio at Leo Oracion.
Mayroong 50 slots sa bawat team kung saan 20 ay para sa Advance category at 30 para sa Fun and Media category na may kabuuang 300 racers.
Para sa karagdagang kaalaman sa Urban Jungle Adventure race, i-text ang UJAR REG at ipadala sa 2366 o bisitahin ang website sa http://adventure. pinoycentral.com.