Ngunit sa tinatakbo ng panahon, tila magkakaroon ng duplikasyon ang nangyari sa Philippine basketball team at ito ang kailangang iwasan ng Nationals.
Noong 1998 Bangkok Asian Games, nakuha ng Philippines ang bronze medal nang pumasok ang last shot ni Jojo Lastimosa para daigin ang Kazakhstan.
At ngayon, may posibilidad na muling magharap ang Kazakhstan at ang Nationals kapag natalo ang Pinoy sa kanilang laban sa host South Korea sa kanilang crossover semifinal round bukas.
Subalit kakaiba ang nararamdaman ni Allan Caidic.
Hindi na ito papayagan ni RP coach Jong Uichico at higit sa lahat ng assistant coach na si Caidic, na dalawang beses nakaharap ang Korea sa kanyang paglalaro sa National team noong 1986 na kabilang sa PBA All-star team at noong 1998 Bangkok Asiad.
Bukod sa mabigat na practice kahapon na umabot ng tatlong oras, panonoorin uli nila ang mga naging laban ng Korea.
Ngunit malaking bagay para kay Uichico ang naging karanasan ni Caidic sa mga naging kalaban niya.
Kaya naman higit na paghahandaan nila ang mga shooters ng Sokor na siyang pamatay na sandata ng mga Koreans.
Kabilang sa mga Koreans na dapat bantayan na mga beterano ng Bangkok Asiad ay sina Moon Kyungeon, Lee Sangmin, Seo Janghoon, Chun Hee-chul, Hyun Jooyup, Kim Joo-sung at Chong Sanhyun.
At sinabi ni Caidic na pawang markado na ang mga ito kasama pa si Bang Sung-yoon. "Malakas ang kanilang transition game," ani Caidic sa mga Korean. "Na siyempre hindi kasing level ng China." (Ulat ni Dina Marie Villena)