Labing-isang sports event ang nakatakdang paglabanan simula sa October 12, 13, 19 at 20.
Mas lumakas ang kompetisyon ngayong taong Milo Little Olympics para sa badminton, gymnastics, lawn tennis, chess, table tennis, taekwondo, athletics, swimming, football, volleyball at sepak takraw.
Patuloy ang pag-angat ng programa ng Milo Little Olympics na ngayon ay nasa ika-12 taon na hindi lamang sa partisipasyon ng mga mag-aaral at paaralan kundi maging sa bilang ng mga sports event.
Bagong karagdagan ang sepak takraw sa competition simula ngayong taon.
Nakataya sa final leg ng Milo Little Olympics sa Metro Manila ang mga medalya para sa individual at team event winners, tropeo at Milo sports equipment para sa mananalong paaralan at plaques at educational cash assistance para sa dalawang mananalong Most Outstanding Athlete awards sa elementary at high school categories.