^

PSN Palaro

Nash Racela, coach ng LBC Batangas sa PBL

-
Mula sa pagiging matandang kapatid ng ace pointguard na si Olsen, pinatunayan ni Nash Racela na maaari siyang gumawa ng sarili niyang pangalan sa basketball nang tanghalin bilang isa sa mga top coaches ng nadisbandang MBA.

Bagamat nagsara na ang MBA, sisimulan ni Racela ang kanyang bagong coaching career sa paggiya ng bagong kasaping koponan na LBC Batangas sa pagbubukas ng kumprensiya ng PBL ngayong Nov.

At siguradong ang pagkakasama ni Racela ang magbibigay sa PBL roster ng mahigpit na hamon mula sa mahuhusay ring bench tactician.

"Another league, another challenge," ani Racela. "But he never expected his new task as to be mind-boggling as coming up with a competitive team from a bunch of new players adjusting to a new system in just a short time."

"Right now, we’re still in the phase of trimming down the aspirants from 20 to 15 and hopefully the composition will be finalized by next week," dagdag pa ni Racela.

Umaasa siya na makakasabay ang kanyang koponan sa ibang team na gaya ng character na kanilang ipinamalas sa MBA, bagamat inamin niya na kailangan pa niyang maghintay.

Siguradong lalaro sa koponan si Alex Compton na lumalaro na may puso at kaluluwa sa koponan kung saan hindi pa nagdedesisyon si Racela kung sino kina Ralph Rivera, Ariel de Castro at Jason Cuevas ang pupuno sa bakante ng dalawang expro slots.

Ang iba pang kakampanya sa koponan ay sina PBL veteran Miko Roldan, Vincent San Sebastian Nicole Uy, Paul Reguerra, Allan de Castro, Chico Manabat, Froilan Baguion.

vuukle comment

ALEX COMPTON

CHICO MANABAT

FROILAN BAGUION

JASON CUEVAS

MIKO ROLDAN

NASH RACELA

PAUL REGUERRA

RACELA

RALPH RIVERA

VINCENT SAN SEBASTIAN NICOLE UY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with