China patuloy sa pananalasa
October 11, 2002 | 12:00am
BUSAN Ipinamalas ng China na sila ang hari sa Asya nang patuloy ang paghakot nila ng gintong medalya sa 14th Asian Games dito.
Sa kasalukuyan ang China at may kabuuang 126 golds at patuloy pa rin ang pag-ani bagamat may apat na araw na lang ang nalalabi sa quadrennial games na ito.
Bukod sa 126 gintong medalya, may naipon na rin silang 62 silvers at 53 bronzes habang nasa ikalawa naman ang host South Korea sa kanilang nasungkit na 65 golds, 63 silvers at 69 bronzes at malayo sa ikatlong puwesto ang Japan na may 39 golds, 64 silvers at 56 bronzes.
At makalipas ang tatlong araw na pananamlay sa athletics, nagparamdam na ng presensiya ang Chinese nang tatlong record-breaking golds ang kanilang naibulsa mula sa 7 golds na nakataya noong Miyerkules.
At sa pagpasok ng taekwondo events, baka tuluyan nang okupahan ng Sokor ang ikalawang overall medal standing kung saan may 16 golds medal ang nakataya sa sports na sila ang nag-imbento upang tuluyang iwanan ang Japan sa ikatlo. May pitong boxers din ang Korean na nakapasok sa semis ng boxing competition na naglagay sa defending champion Thailand sa panganib na makawala ang overall title.
Samantala, hindi lamang pala ang Pinoy ang marunong mag-tnt kundi maging ang iba pang dayuhan.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 16 na atleta ang nawawala at pinag-dududahang nagtago na para makahanap ng hanapbuhay dito sa Korea.
Apat na Nepalese ang nawawala para umabot naman sa bilang na 12 na taga-Nepal, samantala, isang Sri Lankan gymnast at Mongolian boxer ang hindi pa bumabalik sa Athletes Village sapul pa noong Oktubre 6.
Kaugnay nito, isang prinsesa ng United Arab Emirates ang naririto hindipara manood kundi para makipag-kompetensiya.
Ang prinsesang Si Sheika Maitha Bint Mohd bin Rashid al Maktoum, anak ni Sheik Mahammed bin Rashid al Maktoum, isang crown prince ng Dubai, UAE defense minister at isa sa pinakamayamang tao sa daigdig ay napapaligiran na ng malapalasyong kapaligiran sa kanyang tinutuluyang Diamond suite ng Paradise Hotel sa Busan.
Ngunit ang prinsesa na mula sa kilalang pamil-ya ng UAE ay hindi nasisi-yahan sa pagtrato na ito sa kanya.
Dahil sa seguridad la-ging may bantay ito dahil mas nais nitong maging isang simpleng competitor na nakatira sa Athletes Village kasama ang iba pang miyembro ng kanilang delegasyon.
Ngunit kakaiba ang naturang prinsesa sa kanyang ama at kapatid na pawang pang-mayamang sports ang kinagigi-liwan.
Ang kanyang ama ay nagdodomina ng horse racing sa kanyang Godolphin operations habang ang kanyang mga kapatid na lalaki ay humahakot ng karangalan sa equestrian endurance event sa buong daigdig.
At hindi nila gusto ang pagkakarate ng kanilang prinsesa. "They wont recognize me unless I get a gold medal," kibit balikat niyang pahayag sa interview ng Korean Times sa kanya. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended