Nakuntento lamang si Immonen sa US$5,000.
Ang resulta ng laban ay naging napakatamis para kay Bustamante na dalawang araw pa lamang ang nakakaraan ay nakakuha ng gold medal sa 9-ball doubles kasama si Antonio Lining sa Asian Games sa Busan South Korea.
Masaklap na kabiguan naman ito para kay Immonen na kagagaling lamang sa pagkatalo kay Efren Bata Reyes, ang partner ni Bustamante, sa International Challenge of Champions sa Connecticut sa parehong one-rack sudden death game.
"Para kay Baby ito, sa inyo at sa Bayan!," ani Bustamante patukoy sa kanyang pitong buwang anak na babaeng si Marielle na namatay nang siya ay nasa Cardiff, U.K. para sa WPA World 9-Ball championship noong July.
Walong players lamang ang inimbitahan sa 7-ball tournament na kinabibilangan nina Bustamante, Immonen, Earl Strickland (USA) Michael Coltrain (USA), Rodney Morris (USA), Corey Duel (USA), Troy Frank (USA) at Luc Salvas (Canada).
Nakarating sa finals si Bustamante nang kanyang pabagsakin si Salvas na sumilat kay Duel, ang defending champion. Tinalo naman ni Immonen si Strickland para isaayos ang pakikipagharap kay Bustamante sa finals.