^

PSN Palaro

Isa na namang tagumpay para kay Bustamante

-
Tinalo ni Francisco ‘Django’ Bustamante si Mika Immonen ng Finland sa kanilang ‘sudden death’ one-rack finals upang mapagwagian ang 7-ball championship at US$25,000 para sa titulo ng ESPN Zone sa Baltimore, Mayland noong Miyerkules.

Nakuntento lamang si Immonen sa US$5,000.

Ang resulta ng laban ay naging napakatamis para kay Bustamante na dalawang araw pa lamang ang nakakaraan ay nakakuha ng gold medal sa 9-ball doubles kasama si Antonio Lining sa Asian Games sa Busan South Korea.

Masaklap na kabiguan naman ito para kay Immonen na kagagaling lamang sa pagkatalo kay Efren ‘Bata Reyes, ang partner ni Bustamante, sa International Challenge of Champions sa Connecticut sa parehong one-rack ‘sudden death’ game.

"Para kay Baby ito, sa inyo at sa Bayan!," ani Bustamante patukoy sa kanyang pitong buwang anak na babaeng si Marielle na namatay nang siya ay nasa Cardiff, U.K. para sa WPA World 9-Ball championship noong July.

Walong players lamang ang inimbitahan sa 7-ball tournament na kinabibilangan nina Bustamante, Immonen, Earl Strickland (USA) Michael Coltrain (USA), Rodney Morris (USA), Corey Duel (USA), Troy Frank (USA) at Luc Salvas (Canada).

Nakarating sa finals si Bustamante nang kanyang pabagsakin si Salvas na sumilat kay Duel, ang defending champion. Tinalo naman ni Immonen si Strickland para isaayos ang pakikipagharap kay Bustamante sa finals.

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BATA REYES

BUSAN SOUTH KOREA

BUSTAMANTE

COREY DUEL

EARL STRICKLAND

IMMONEN

INTERNATIONAL CHALLENGE OF CHAMPIONS

LUC SALVAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with