Varsity team mula sa Cebu sasabak sa CUBCC cagefest
October 8, 2002 | 12:00am
Ilang malalakas na varsity team mula sa Cebu ang nakatakdang dumating upang makipagsabayan ng lakas sa mga Colleges and Universities Basketball Challenge Cup sa Nov. 9-25 sa Makati Coliseum.
Kakatawanin ng University of Visayas at University of San Jose-Recoletos, finalists sa katatapos pa lamang na Cebu Schools Athletic Foundation, Inc., ang Visayas sa cagefest na ito na magtatampok ng 16 varsity squads mula sa buong bansa.
Ang kanilang pag-entra ang nagkumpirma ng ika-10 koponan sa tournament na ang brainchild ay si dating National coach Joe Lipa na ibinase sa konsepto ni dating Amb. Danding Cojuangco noong 1986 nang itaguyod ng San Miguel Corp. ang unang Inter-Club Invitational Tournament at binago noong 1997 bilang Philippine Invitational Collegiate Championships.
Kabilang sa mga koponan na nagkumpirma ng lahok ang Ateneo, La Salle, University of the East at University of Santo Tomas mula sa UAAP, San Sebastian, College of St. Benilde at Jose Rizal U mula sa NCAA at University of Manila mula naman sa NAASCU.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest