Bernardino, Yanga kumpiyansa sa RP-5
October 8, 2002 | 12:00am
Busan Malaki ang kutob nina PBA commissioner Jun Bernardino at Elmer Yanga na matamis na tagumpay ang iuuwi ng Philippine Basketball team.
Senyales para kay Jun ang pagkapanalo ng UP Baby Maroons at Ateneo Blue Eagles sa kakatapos na UUAP basketball tournament. "Grandslam" ika nga ni Pareng Jun nang i-treat nya ang Philippine Media na nagkokober dito sa isang American-Chinese restaurant.
Masaya at kakaiba ang aura ni Pareng Jun habang nagsasalita. Aba malay natin baka magdilang-anghel si Pareng Jun.
Isa pa libre naman ang mangarap di ba? Sino ba namang Fil-pino ang ayaw talunin ang China?
Kaya ipagdasal natin. Ngayon makakalaban natin ang Higan-teng China sa huling asignatura ng quarterfinals. At kung sorpresahin ng PBA All-star team ang China (sana nga) makakaharap natin ang Kazakhstan sa semis at pagnanalo dito pasok na tayo sa finals.
O anong say nyo? Kailangan ng tatlong panalo para sa matayog na pangarap at kumikinang na ginto.
Pray na lang tayo!
Darating daw si Senator Robert Jaworski dito sa Busan. Pero ang balita ko hindi para manood kundi maging commentator sa isang basketball game.
Siyempre kasama na rito ang pagsuporta niya sa National team. Si Jawo ang coach ng unang PBA All-star team na lumahok sa Hiroshima Asian Games na nag-silver.
Tila may magagandang pangitain nga para sa Nationals.
Anong ginagawa ni Vince Hizon sa Busan? Akala ko ba wala na sila ni Toni Leviste? Sino kaya ang pinuntahan nya?
Sobrang galit ang nadarama ng mangilangilang Pilipino na naririto sa Busan.
Ang dahilan?
Bakit daw pinaglaro si Efren "Bata" Reyes sa event na hindi naman siya gaanong bihasa at bakit sa isang event lang daw pinaglaro si Francisco "Django" Bustamante?
Nakakasira daw ng kredibilidad ni Efren ang pagkatalo nito sa 3-Cushion Carom at bronze medal sa 8-ball.
Kilalang world champion si Efren at maging si Django sa 9-ball.
Mas malaki sana ang tsansa kung dito sila isinalang. Puot ang nadarama ng mga naririto at tiyak din ang mga kababayang nasa Pinas sa ginawa nila kina Efren at Django.
Bakit nga ba?
Aaaay naku itanong nyo na lang sa coach nilang si Ramon Ancaja at doon sa mistisong presidente ng billiards na hindi ko alam kung mga tunay na Pilipino.
Yun na!
Naririto din nga pala si Bong Alvarez na nagpo-promote ng kanyang bagong negosyo at upang suportahan ang National players sa kanilang kampanya.
Ang negosyo ni Bong ay isang cargo forwarding at remittances para sa mga Pilipinong naririto sa Korea ang Forex.
Ang branch nya ay nakatayo sa Seoul. Kasabay nito itinayo din ni Bong ang Fastbreak tires.
O di ba kahit hindi magbasketball mabubuhay si Bong. Pero teka anong balita sa basketball career nya?
Wala pa rin, hindi pa rin pinakakawalan ng FedEx si Bong dahil hindi nagkasundo sa inaalok ng Talk N Text.
"Well, okay fine. Ganyan talaga ang buhay" buntong-hininga ni Bong.
Senyales para kay Jun ang pagkapanalo ng UP Baby Maroons at Ateneo Blue Eagles sa kakatapos na UUAP basketball tournament. "Grandslam" ika nga ni Pareng Jun nang i-treat nya ang Philippine Media na nagkokober dito sa isang American-Chinese restaurant.
Masaya at kakaiba ang aura ni Pareng Jun habang nagsasalita. Aba malay natin baka magdilang-anghel si Pareng Jun.
Isa pa libre naman ang mangarap di ba? Sino ba namang Fil-pino ang ayaw talunin ang China?
Kaya ipagdasal natin. Ngayon makakalaban natin ang Higan-teng China sa huling asignatura ng quarterfinals. At kung sorpresahin ng PBA All-star team ang China (sana nga) makakaharap natin ang Kazakhstan sa semis at pagnanalo dito pasok na tayo sa finals.
O anong say nyo? Kailangan ng tatlong panalo para sa matayog na pangarap at kumikinang na ginto.
Pray na lang tayo!
Siyempre kasama na rito ang pagsuporta niya sa National team. Si Jawo ang coach ng unang PBA All-star team na lumahok sa Hiroshima Asian Games na nag-silver.
Tila may magagandang pangitain nga para sa Nationals.
Ang dahilan?
Bakit daw pinaglaro si Efren "Bata" Reyes sa event na hindi naman siya gaanong bihasa at bakit sa isang event lang daw pinaglaro si Francisco "Django" Bustamante?
Nakakasira daw ng kredibilidad ni Efren ang pagkatalo nito sa 3-Cushion Carom at bronze medal sa 8-ball.
Kilalang world champion si Efren at maging si Django sa 9-ball.
Mas malaki sana ang tsansa kung dito sila isinalang. Puot ang nadarama ng mga naririto at tiyak din ang mga kababayang nasa Pinas sa ginawa nila kina Efren at Django.
Bakit nga ba?
Aaaay naku itanong nyo na lang sa coach nilang si Ramon Ancaja at doon sa mistisong presidente ng billiards na hindi ko alam kung mga tunay na Pilipino.
Yun na!
Ang negosyo ni Bong ay isang cargo forwarding at remittances para sa mga Pilipinong naririto sa Korea ang Forex.
Ang branch nya ay nakatayo sa Seoul. Kasabay nito itinayo din ni Bong ang Fastbreak tires.
O di ba kahit hindi magbasketball mabubuhay si Bong. Pero teka anong balita sa basketball career nya?
Wala pa rin, hindi pa rin pinakakawalan ng FedEx si Bong dahil hindi nagkasundo sa inaalok ng Talk N Text.
"Well, okay fine. Ganyan talaga ang buhay" buntong-hininga ni Bong.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended