^

PSN Palaro

2 gold pagsisikapan nina Buenavista at Bulauitan

-
BUSAN – Dalawang ginto ang nakaumang sa panimula ng athletics event kung saan hangad nina Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan na makapagtala ng magandang performance sa panimula ng track and field competition sa Busan Main Stadium.

Ngunit nakatuon ang pansin ng lahat sa long distance runner na si Bue-navista na may pinakamaningning na pag-asa para maibsan ang 12-taong pagkakauhaw ng bansa sa gold medal.

Ang 24-anyos na tubong South Cotabato na si Buenavista, gold medalist sa nakaraang Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2001, may magandang record sa 10km Adidas King of the Road series na ginanap sa Hong Kong noong nakaraang Marso na siyang pinakamagandang tinapos ng isang Asyano ngayong taon, tatakbo si Buenavista sa 10,000m.

Sa kabilang dako, sisikapin ni Bulauitan-Gabito at Marestella Torres ang kanilang suwerte sa finals ng women’s long jump at tatakbo naman si Ernie Candelario sa heat ng 400m.

At may basbas ng suwerte, kapag nakalundag si Bulauitan-Gabito ng higit sa kanyang personal best na 6.46m, malamang na magbigay ito ng sorpresa sa medal standing na sapat para sa bronze.

Ang tatlong pangunahing finishers sa nakaraang 1998 Bangkok Asian Games ay hindi kabilang sa lalahok, ngu-nit kailangang bantayan ang mga baguhang sina Maho Hanaoka ng Japan na may personal best na 6.82m at kakamping si Kumiko Ikeda na may 6.78m. Naririyan din si Anju Bobby George ng India na may personal best na 6.74m. (Ulat ni DMV)

vuukle comment

ADIDAS KING OF THE ROAD

ANJU BOBBY GEORGE

BANGKOK ASIAN GAMES

BUENAVISTA

BULAUITAN-GABITO

BUSAN MAIN STADIUM

EDUARDO BUENAVISTA

ERNIE CANDELARIO

HONG KONG

KUALA LUMPUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with