^

PSN Palaro

Buhain natuwa sa unang gold ng RP

-
BUSAN -- "We have broken through and we have started the ball rolling."

Ito ang pahayag ng tuwang-tuwang si Eric Buhain, chairman ng Philippine Sports Commission, kinaumagahan matapos ihatid nina Paeng Nepomuceno at RJ Bautista ang unang gold medal sa men’s double ng bowling competition sa 14th Asian Games.

"We’ve been praying very hard for this and sana tuluy-tuloy na," ani Buhain sa gintong naging malaking karagdagan sa limang bronzes ng Philippine contingent mula kina bowlers Liza Clutario sa women’s singles, rowers Alvin Amposta at Nestor Cordova sa men’s double sculls, shooter Jethro Dionisio sa men’s individual trap at si Dionisio uli kasama sina Jaime Recio at Eric Ang sa men’s trap.

"I strongly believe a roll (para sa golds) is in for us," wika ni Buhain. "Just like what rowing did, it kicked off a string of medals."

Ang naturang gintong medalya ay nagbigay kay Nepomuceno at Bautista ng P1.5 milyon bilang cash incentive -- P1 milyon para sa team mula sa pamahalaan sa bisa ng Republic Act 9064 o Athletes and Coaches Incentives Act at P.5 milyon mula sa sponsor na Samsung Electronics Phils. Corp.

"With the gold medal, it goes to show that we could compete at this level,"ani Buhain.

vuukle comment

ALVIN AMPOSTA

ASIAN GAMES

ATHLETES AND COACHES INCENTIVES ACT

BAUTISTA

BUHAIN

ERIC ANG

ERIC BUHAIN

JAIME RECIO

JETHRO DIONISIO

LIZA CLUTARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with