^

PSN Palaro

Ateneo nakaganti sa De La Salle

-
Kinumpleto ng Ateneo De Manila University ang matamis na paghihiganti sa kanilang karibal na De La Salle University nang kanilang agawin ang titulo sa UAAP men’s basketball tournament.

Matapos mabigong tapusin ang best-of-three serye nang makahirit ang Archers ng deciding Game-Three, itiniklop ng AdMU Blue Eagles ang titular showdown sa 2-1 panalo-talo.

Dahil sa panalong ito, nakabawi ang Ateneo sa kanilang pagkatalo noong nakaraang taon sa championship series.

Sinimulan ng Eagles ang kanilang paghihiganti nang kanilang pagkaitan ng sweep ang La Salle na sana’y nagkaloob sa Archers ng awtomatikong finals slot.

Sa wakas ay nawakasan ng Eagles ang kanilang 14-taong pagkauhaw sa titulo makaraang ipagkait sa La Salle ang ikalimang sunod na ko-rona.

Bagamat maagang na-fouled out ang key player ng Ateneo na si L.A. Tenorio, may 3:47 pa ang nalalabing oras sa labanan, hindi ito naging malaking kawalan sa Eagles.

Sa halip na manghina, nakakita ng lakas ang Eagles kay Larry Fonacier na umiskor ng triple para ilayo ang Ateneo sa 11 puntos na kalamangan at dalawang free-throws na sumiguro ng panalo.

Matapos umabante ang 10-puntos ng Eagles, naibaba ito ng La Salle sa 6-puntos ngunit ang tres ni Fonacier ang naglayo ng iskor sa 73-62, 2:28 ang oras sa labanan.

Dalawang sunod na basket ang kinana ni Adonis Sta. Maria para magkaroon ng pag-asa ang Archers, 66-73 ngunit pareho namang ipinasok ng MVP na si Enrico Villanueva ang dalawang free-throws para sa 75-66, 36 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Humirit pa sina B.J. Manalo at Sta. Maria na nagdikit ng iskor sa 70-75, 7.6 segundo na lamang ang oras sa laro ngunit na-kahugot ng foul si Fonacier mula kay Mike Cortez para iselyo ang final score sa pamamagitan ng kanyang free-throws.

vuukle comment

ADONIS STA

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

ENRICO VILLANUEVA

FONACIER

LA SALLE

LARRY FONACIER

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with