^

PSN Palaro

Silver lang kay Kiamco

-
BUSAN, South Korea -- Sumablay sa mga kamay ni Warren Kiamco ang inaasintang gintong medalya makaraang tumiklop sa Chinese-Taipei na si Yang Ching-Shun, 3-11 sa 9-balls singles competition ng billiards event sa 14th Asian Games na ginaganap sa Dongju College gym dito.

Ang kabiguan ng 34-anyos na si Kiamco ang nagseguro ng kauna-unahang silver medal ng Philippines na siyang natatanging produksiyon ng RP delegasyon sa araw na ito.

Nakarating si Kiamco sa finals matapos niyang igupo ang lahok ng host country na si Jeong Young-hwa, 11-8 sa semis round.

Ngunit ang tagumpay ni Kiamco ay nabahiran ng lungkot matapos na mawala sa medal race si Antonio Lining sa nag-kampeong Taiwanese sa semifinal round, 10-11.

Pinayuko ni Kiamco si Slauw Wieto ng Indonesia, 11-4 at tinalo si Rehari Mukesh Thakur Das ng India, 11-7 para makarating sa semis.Sa bowling, muling nagliwanag ang gintong medalya sa event na ito nang pumangalawa ang women’s trio nina Liza del Rosario, Liza Clutario at Cecilia Yap sa kanilang pinagulong na 1,906 pin-falls sa first block ng naturang event sa likuran ng namumunong Korea (1,985), habang ang men’s trio nina CJ Suarez, Chester King at Botchok Rey naman ay pumang-apat sa kanilang 1,921 pinfalls sa likod ng Qatar (1,977), Korea (1,960) at China (1,927).

Ang second block men’s at women’s trio ay ilalaro ngayon na magdedetermina ng kanilang tsansa sa isa pang gintong medalya.Sa boxing, umusad sa susunod na round si Violito Payla makaraang igupo ang kalabang Uzbek na si Doniyorov Tulashboy, 31-26 para makakuha ng slot sa quarterfinals kung saan makakaharap niya ang Pakistaning si Nouman Karim na nagwagi naman kay Berik Serikbayev ng Kazakhstan, 14-9.

Naunang pumasok si Romeo Brin sa quarterfinals makaraang payukurin si Bayarjargal Bayanmunkh ng Mongolia, 20-16.

Ito ay sinundan naman ni Harry Tanamor na unang nagwagi kontra Kyaw Swar Aung ng Myanmar, 25-7 at kontra kay Zuo Shiming ng China, 15-13.

Dalawang boksingero sa walo ang nalaglag na sa kontensiyon. Ito ay sina Fil-Am Chris Camat at Ferdie Gamo.

Aakyat naman sa ring si Roel Laguna upang makipagpalitan ng suntok sa Olympian na si Saksaman Sutthisak ng Thailand na bitbit ang panalanging matsambahan ang dekalibreng Thai boxer.

Sa iba pang resulta, pinabagsak ng Chinese-Taipei ang RP Blu Boys, 4-2, samantala, makaraan ang tatlong araw, pumapangatlo si Ria Denise Quiazon sa kanyang pinalong par 71 para sa kabuuang 221 sa likuran ng Korea at Japan.

Pumapangatlo naman sa team event (450) ang troika nina Heidi Chua, Ria Quiazon at Carmelette Villaroman sa likod ng Korea (432) at Japan (434). Habang ang men’s team naman na binubuo nina Je-rome Delariarte, Marlon Dizon, Juvic Pagunsan at Angelo Que ay nasa 9th place makalipas ang tatlong rounds.

Ilalaro ngayon ang ikaapat at huling round para madetermina ang kanilang final standing kung saan malaki ang tiwala ng Pambansang delegasyon na makakakuha ng gintong medalya.

Namayani naman si Reynaldo Grandea sa 3 Cushion Carom singles preliminary round makaraang gapiin si Amnuayporn Chotipong ng Thailand, 50-17 at hindi rin nagpahuli ang 9-ball world champion na si Efren ‘Bata’ Reyes na dinaig si Yang Yao-Huei ng Chinese-Taipei, 50-34. (Ulat ni Dina Marie Villena)

vuukle comment

AMNUAYPORN CHOTIPONG

ANGELO QUE

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BAYARJARGAL BAYANMUNKH

BERIK SERIKBAYEV

BLU BOYS

BOTCHOK REY

CHINESE-TAIPEI

KIAMCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with