Sino sa DLSU at ADMU ang mag-uuwi ng titulo?
October 5, 2002 | 12:00am
Mapanatili kaya ng defending champion De La Salle University ang iniingatang titulo o tuluyan na nga kayang maagaw ito ng karibal na Ateneo de Manila University para makumpleto ang kanilang matamis na paghihiganti?
Mabibigyan ng kasagutan ang tanong na ito sa pagtunog ng final buzzer ngayon sa winner-take-all match para sa titulo ng UAAP mens basketball tournament.
Magsasagupa ang DLSU Green Archers at AdMU Blu Eagles para sa Game-Three ng kanilang titular showdown sa Araneta Coliseum na siguradong mapupuno ngayon para sa pang-alas-4:00 ng hapong giyera.
Bagamat nakauna ng Ateneo sa Game-One sa pamamagitan ng 72-70 panalo, naitabla naman ng La Salle ang best-of-three championship series sa 1-1 matapos ang impresibong 85-77 tagumpay noong Linggo na siyang nagpuwersa ng sudden-death match na ito.
"Ateneo is capable of bouncing back," pahayag ni La Salle coach Franz Pumaren na nag-hahangad maisukbit ang ikalimang sunod na titulo para sa La Salle.
Sa unang laro, sisikapin din ng Lady Archers na ma-sweep ang best-of-three serye laban sa Adamson Lady Falcons para sa titulo ng womens division. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended