^

PSN Palaro

Asiad coverage ipapalalabas ng NBN sa primetime

-
Ipapalabas ng National Broadcasting Network ang mga key sports tulad ng basketball, billiards at boxing sa primetime mula sa dating live telecast upang bigyan ng pagkakataon ang mga Filipino Sports fans ng pagkakataong mapanood ang mga atletang may tsansa sa gold medal.

Ito ang ipinahayag kahapon ni NBN Chairman Mia Concio bunga ng maraming kahilingan ng mga sports fans na di makapanood ng mga laro sa oras ng trabaho.

Ngunit tuwing weekends, ang mga pangunahing sports ay ipapalabas ng live at may replay pagkatapos ng Asian Games Recap sa alas-10:30 ng gabi.

"While it is ideal to telecast basketball, boxing and billiards direct via satellite, we also don’t want to deny those who are in their offices the chances to witness the exploits of our athletes," ani Concio.

"Especially now that the RP basketball team is almost sure of barging into the semifinals, we want to instill national pride by encouraging the Filipino nation to pour their all-out support to the team through our telecast. In days where we don’t have basketball games, we will be airing boxing and billiards where we expect to win golds," paliwanag nito.

Ipinaliwanag din ni Concio na maaaring mabago ang telecast dahil pinapalitan din ng organizers ng Busan Asian Games ang schedule ng telecast.

Walang telecast ang billiards kung saan pambato sina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante gayundin si Lee Van Corteza kaya’t gumawa ng sariling coverage ang NBN na kailangan pang i-edit bago maipadala sa NBN home studio.

"As we promised, we want to make the Asian Games coverage as comprehensive as possible." ani Concio.

vuukle comment

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES RECAP

BATA

BUSAN ASIAN GAMES

BUSTAMANTE

CHAIRMAN MIA CONCIO

DJANGO

FILIPINO SPORTS

LEE VAN CORTEZA

NATIONAL BROADCASTING NETWORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with