RP pugs nalagasan
October 4, 2002 | 12:00am
Busan, South Korea-- Nalaglag na ang isa sa walong boksingerong kumakampanya dito sa 14th Asian Games makaraang yumuko si Ferdie Gamo sa ikalawang araw ng aksiyon ng boxing competition sa may kalayuang Masan Stadium.
Lumuhod ang 27 anyos na tubong Negros Occidental na si Gamo kay Bekzod Khidirov ng Uzbekistan 11-10.
Muling aakyat naman si Harry Tanamor upang sundan ang kanyang naunang tagumpay sa kanyang pakikipagharap kay Zuo Shiming ng China sa ikalawang round ng 48kgs. class.
Bago ito, sasabak din sa aksiyon ang Fil-Am na si Cris Camat kontra sa Pakistani na si Kashif Muntaz sa 71 kgs. category.
Ang 24 anyos na si Tanamor, gold medalist sa Chowdry Cup na ginanap Azerbaijan at Acropolis International Cup sa Greece ay nanaig sa kanyang first round match laban kay Kyaw Swar Aung ng Myanmar 25-7. (Ulat ni DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended