Base sa nakaraang Asian trackfest sa Sri Lanka noong nakaraang buwan, sina long jumpers Lerma Bulauitan-Gabito at Marestela Torres ang inaasahang makakakuha ng medalya para sa 13-miyembro ng athletics team.
"Masyadong malakas ang kalaban dito," ani Dario de Rosas, isa sa limang Filipino coaches ng athletics team bago magtungo sa pag-eensayo kahapon.
Ayon kay de Rosas, may tsansang maka-bronze sina Eduardo Bue-navista, nanalo ng dalawang gold sa Malaysia sa 3,000 at 5,000-meters steeplechase; John Lozada, SEAG 800-m champion; at Kuala Lumpur marathon winners Roy Vence at Christabel Martes.
"Baka lumaban sila pero mahirap din dahil iba na ang labanan dito," dagdag ni de Rosas.