Sino ba talaga?
October 3, 2002 | 12:00am
Parang nilalagnat ang marami sa ating mga kababayan dahil sa tindi ng paghahanap ng tiket para sa Game 3 ng UAAP Finals ng De La Salle University at Ateneo de Manila University. Sa mga katulad kong nasa sports, dumarami ang mga kaibigan naming humahagilap ng paraan para makapasok sa Araneta Coliseum sa Sabado.
Pag-aralan natin ang ilang mga bagay na makapagsasabi kung sino talaga ang mananaig sa huling laro ng serye.
Depensa. Sa ilang taon nilang paglalabanan, hirap pa rin ang Ateneo na magawan ng solusyon ang full-court press ng La Salle. Bumabagal ang ikot ng bola, at hindi madaling masimulan ang kanilang play. Subalit humigpit din naman ang depensa ng Blue Eagles sa loob, at nagiging sakit ng ulo ito ng Green Archers tuwing nasusundutan ang kanilang mga sentro sa loob ng three-second area.
Mike Cortez Factor. Hindi natin masabi kung saan mas matindi si Cortez, sa pagpasa ng bola sa poste, o sa paglikha ng sariling tira. Noong Game 1, hindi gaanong gumawa si Cool Cat at naupo ng matagal noong fourth quarter, at nalusutan sila ng Ateneo. Noong Game 2, gumawa siya ng 21, at nanalo ang La Salle.
Tenorio Factor. Parang napakatalim na espada ni LA Tenorio, na maging ang may tangan ay nasusugatan din. Pag di gaanong nagwala si Tenorio, maganda ang takbo ng opensa ng Ateneo. Pag nagdamot siya't nagtapon ng bola, disgrasya ang inaabot. Aling LA ang lilitaw sa Game 3?
Utak laban sa puso. Nagulat ako nang magdiwang ang mga Blue Eagles noong Game 1. Sa pananaw ko'y sobra ang ipinakita nilang selebrasyon, dahil hindi pa naman tapos ang serye. At nautakan sila ng Green Archers sa Game 2. Kung nanahimik ang Ateneo noon pa lang, baka di na gaanong nag-init ang La Salle. Lahat ng magagaling na koponan ay bumabangon sa harap ng matinding hamon.
Rebounding. May kasabihan sa basketbol "No rebounds, no rings." Pagsama-samang nangongolekta ng rebound ang mga Atenista, kaya nilang sabayan ang mga kampeon. Subalit, pag ipinaubaya na nila ang rebounds kina Enrico Villanueva at Rich Alvarez lamang, mahihirapan sila. Gayundin sa La Salle.
Tuwing tumutulong sa loob ang mga guwardya, kaya nilang gibain kahit sino. Ang mahalaga sa larong ito ay kung sino ang magdidikta ng tiyempo. Kung sino ang makakatakbo, siya ang mananalo. At ang fastbreak ay madalas nagsisimula sa depensa. Ang magpabaya, talo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am