RP keglers sasalang na
October 3, 2002 | 12:00am
BUSAN, South Korea Sisimulan na ng Philippine bowling team ang kanilang kampanya sa 14th Asian Games sa panimula ng bowling competition na gaganapin sa Homeplus bowling alley na malapit sa Busan Main Stadium.
Simula sa alas-9 ng umaga, magsisimula na ang aksiyon sa mens singles kung saan pangungunahan ni four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno, Rowen Jay Bautista, Constantine King, Leonardo Rey Jr., Engelberto Rivera at Christian Jan Suarez.
Inaasahang may malaking bentahe na ito para kay Nepomuceno na may isang buwan pa lamang nagkampeon sa Busan international bowling championships kung saan mismo sa bowling lane ng Home-plus ginanap ang kompetisyon.
Bagamat kabisado na ang bowling lane, hindi dapat magkumpiyansa ang mga Pinoy bowlers.
Sa kababaihan, sasalang sa bowling lanes sa ganap na ala-una ng hapon sina Josephine Canare,Liza Clutario, Liza del Rosario, Irene Garcia-Benitez, Kathlyn Ann Lopez at Cecilia Yap. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended