^

PSN Palaro

Mabigat ang laban ng RP pugs

-
BUSAN – "It’s just the start. It’s too early to celebrate. We didn’t get lucky in the draw so it’s going to be tough all the way."

Ito ang pananaw ni boxing president Manny Lopez sa tsansa ng Philippines sa 14th Asian Games matapos ang tagumpay ng kanyang dalawang kaliweteng boxers na sina Harry Tanamor at lightweight Romeo Brin upang ilunsad ang kampanya ng RP pugs na wakasan ang walong taong pagkauhaw sa gold.

Pinabagsak ni Tanamor si Kyaw Swar Aung ng Myanmar sa pamama-gitan ng solidong left straight sa second round tungo sa 25-7 tagumpay habang malalakas na body punches naman ang ibinigay ni Brin kay Bayanmunkh Bayarjargal ng Mongolia sa final round para sa 20-16 panalo.

"Umpisa pa lang. Asian Games ito at marami tayong malalakas na kalaban," ani Lopez. "Pero may tsansa tayo."

Nabokya ang boxers sa Bangkok Asiad noong 1998 ngunit nagkaroon ng maraming international exposures ang RP pugs na kanilang puhunan para sa kompetisyong ito.

Mapapasabak naman si bantam Ferdie Gamo ngayon sa mananalo sa pagitan nina Wabbeh Abdulla ng Syria at Khidirov Bekzod ng Uzbekistan.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAD

BAYANMUNKH BAYARJARGAL

FERDIE GAMO

HARRY TANAMOR

KHIDIROV BEKZOD

KYAW SWAR AUNG

MANNY LOPEZ

ROMEO BRIN

WABBEH ABDULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with