Reyes at Bustamante inaasahan sa gold

BUSAN, South Korea--- Bago pa man umalis ang mga Pambansang delegasyon sa Manila, marami na ang umaasang sa pagkakasama nina Francisco 'Django' Bustamante at Efren 'Bata' Reyes sa billiards team eh halos hindi na puwedeng makawala ang gintong medalya sa ating kamay.

Ngunit tila sinasadya, si Reyes ay isasabak sa 8-ball at sa 3-cusion carom habang si Francisco naman ay sa 9-ball singles at doubles kasama si Antonio Lining.

Kung kapwa nga naman isasabak sina Reyes at Bustamante sa 9-ball hindi makakalusot ang gintong medalya dahil sa mas malamang na magka-roon ng 1-2 finish ang mga Pinoy cue artitst.

"This your chance to win at least 3 golds. Why let the chance to slip away?" pagtatangkang pahayag ng isang foreign coach.

At dahil dito, higit na nasiyahan ang mga kalaban sa hindi pagkakasama ni Reyes sa 9-ball.

"Basta lalaruin na lamang namin at ibibigay ang 100% para matumbok ang gold sa lahat ng events na pagsasalangan sa amin" pahayag ni Reyes.

Pero bakit isasaalang-alang ang kapakanan ng atleta kaysa sa karangalan ng bansa? Ito ang huling komento ng ilang Pilipino na umaasang mapapanood din nila si Reyes sa 9-ball singles at makaka-partner si Bustamante sa doubles. (Ulat ni Dina Villena)

Show comments