Maganda at malamig ang Busan
October 1, 2002 | 12:00am
BUSAN, South Korea--Hindi naman pala masyadong malamig dito di tulad ng inaasahan kong lamig. Parng nasa Baguio ka lamang na tuwing bababa ang araw ay saka lumalamig. Pero sumisikat man ang araw eh hindi naman kasing init ng tulad ng init na mararamdaman mo sa Manila. Ika nga eh, Baguio talaga dahil pati ang kapaligiran eh puro bundok.
Ang kaibaihan lang dito ay ang pagiging port city kung saan malapit ka sa dagat.
Tulad nga kung saan naninirahan ang ilang Philippine Media na kasama ko na tabing dagat lamang ang hotel na aming tinutuluyan, kaya tuwing umaga puwede kang bubaba ng hotel at langhapin ang hangin sa tabing dagat.
Malinis ang Korea at kahit sa mga kalsada eh wala kang makikitang kalat. Maaayos at masisipag ang mga Koreans.
Okay na sana ang lahat maliban na lamang sa aming coverage kung saan ang Main Press Center nila eh walang mga computers na magagamit ang mga media sa iba't ibang bansa.
Marami pa namang hindi nagdala ng kani-kanilang lap top. Kaya hayun dusa ang lahat kabilang na ako na wala namang lap top.
Wala ring internet at iisa ang fax machine na gagamitin ng kulang-kulang sa isang libong foreign journalist.
At karamihan nga dito sa mga journalist eh nagsasabing sa ilang Asian Games, Olympics at SEAG nilang coverage ay ito ang pinaka-worst na coverage.
At saludo ako dyan.
Grabe talaga.
Nakakatuwa naman palang kasama sina Mick Pennisi at Paul Asi Taulava.
Isipin mo na lang na mga kenkoy pala ang mga ito at parang mga bata kapag nagbibiruan.
Tulad ni Asi na nung ihayag na si Pennisi ang kapalit ng na-injured na si Danny Seigle eh panay ang patawa dahil nga sa hotel nakatira itong si Mick at papalit kay Danny sa Athletes Village.
Ayaw pang umalis ni Mick sa hotel kaya ang sabi ni Asi bubuhatin daw niya si Mick o kakaladkarin papuntang Athlete's Village.
Siyempre biro lang yun.
At itong si Andy Seigle naman, sobra talagang mainitin.
Kasi sa unang laro nila kontra sa UAE, bawat hindi magandang emosyon ng Arabs eh nag-iinit at manunugod na.
Biruan nga namin nina Rhea Navarro eh dapat talian itong si Andy sa may bench para hindi makapanugod, baka kasi panimulan ng gulo eh.
Mahigit sa 30 ang Philippine Media na naririto na karamihan eh pawang mga sports editors ng malalaking pahayagan sa Manila.
Bagamat hiwa-hiwalay ang hotels na tinutuluyan, nagkikita-kita naman sa Main Press Center.
Pero sino itong isang sportscribe na tinaguriang "moviestar" ng mga scribes?
Grabe pala ang mahal dito! Grabe talaga, ang kanin lang nila eh nagkakalahaga ng $1 isang tasa. At kaya naman pala mas maraming Koreans ang hindi tumataba eh dahil hindi sila mahilig masyado sa kanin. Panay gulay at noodles ang kanilang pamalit kanin.
Eh hindi naman ubra sa mga Pinoy na malakas kumain ng kanin.
Happy Birthday nga pala kina Auring Jaraba at Margie Silaya (Oct. 1), Benjie Paras (Oct. 2) Araceli Ocampo at Mon Fernandez (Oct.3).
Ang kaibaihan lang dito ay ang pagiging port city kung saan malapit ka sa dagat.
Tulad nga kung saan naninirahan ang ilang Philippine Media na kasama ko na tabing dagat lamang ang hotel na aming tinutuluyan, kaya tuwing umaga puwede kang bubaba ng hotel at langhapin ang hangin sa tabing dagat.
Malinis ang Korea at kahit sa mga kalsada eh wala kang makikitang kalat. Maaayos at masisipag ang mga Koreans.
Okay na sana ang lahat maliban na lamang sa aming coverage kung saan ang Main Press Center nila eh walang mga computers na magagamit ang mga media sa iba't ibang bansa.
Marami pa namang hindi nagdala ng kani-kanilang lap top. Kaya hayun dusa ang lahat kabilang na ako na wala namang lap top.
Wala ring internet at iisa ang fax machine na gagamitin ng kulang-kulang sa isang libong foreign journalist.
At karamihan nga dito sa mga journalist eh nagsasabing sa ilang Asian Games, Olympics at SEAG nilang coverage ay ito ang pinaka-worst na coverage.
At saludo ako dyan.
Grabe talaga.
Isipin mo na lang na mga kenkoy pala ang mga ito at parang mga bata kapag nagbibiruan.
Tulad ni Asi na nung ihayag na si Pennisi ang kapalit ng na-injured na si Danny Seigle eh panay ang patawa dahil nga sa hotel nakatira itong si Mick at papalit kay Danny sa Athletes Village.
Ayaw pang umalis ni Mick sa hotel kaya ang sabi ni Asi bubuhatin daw niya si Mick o kakaladkarin papuntang Athlete's Village.
Siyempre biro lang yun.
Kasi sa unang laro nila kontra sa UAE, bawat hindi magandang emosyon ng Arabs eh nag-iinit at manunugod na.
Biruan nga namin nina Rhea Navarro eh dapat talian itong si Andy sa may bench para hindi makapanugod, baka kasi panimulan ng gulo eh.
Bagamat hiwa-hiwalay ang hotels na tinutuluyan, nagkikita-kita naman sa Main Press Center.
Pero sino itong isang sportscribe na tinaguriang "moviestar" ng mga scribes?
Eh hindi naman ubra sa mga Pinoy na malakas kumain ng kanin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended