Molina, Dacanay nagbigay buhay sa RP athletes
October 1, 2002 | 12:00am
BUSAN--Nagkaroon ng konting buhay ang tahimik na kampanya ng Pambansang delegasyon makaraang lumangoy tungo sa finals si Miguel Molina habang gumuhit naman ng bagong Philippine record si Luisa Dacanay sa unang araw ng swimming competition sa Sajik stadium dito sa 14th Asian Games.
Nilangoy ng 18-anyos na si Molina ang mens 200m individual medley sa bilis na 2:05.97 ang ikalimang pinakamagandang clocking para makausad sa finals kagabi.
Ngunit kinapos naman ito sa kanyang pinal na langoy makaraang magtapos lamang bilang ikaanim sa likod ng Japan tankers na gumawa ng 1-2 finish, China, Korea at Thailand.
Bagamat nabigong makasulong si Dacanay, nalagpasan naman niya ang dating record ni Alzina Lim na 2:22.93 na nailista noong 1998 Southeast Asian age-group sa kanyang itinalang 2:22.36.
Bigo rin ang dalawa pang swimmers na sina Heidi Ong at Raphael Chua na kapwa di nakalusot sa kanilang heats.
Bahagyang nagkaroon ng kulay ang kampanya ng bansa sa medal nang manguna ang rower na si Jojo Rodriguez sa kanyang heat sa lightweight singles sculls para makapasok sa finals, habang kailangan pang pumasa ni Olympian rower Benjie Tolentino sa isa pang heat sa rowing singles sculls para makaabante sa finals.
Samantala, sa fencing, wala pa rin suwerte ang Pinoy fencers nang maagang malaglag si Lenita Reyes sa womens sabre event. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest