Kampanya ng RP umusbong kaya ?
September 28, 2002 | 12:00am
BUSAN -- Maganda, malamig ang Busan.
Malinis ang kapaligiran at malamig na parang nasa Baguio ang klima.
Higit na nagpapalamig ang kabundukang nakapaligid at ang simoy ng hangin masarap langhapin.
Sana ay kasing sarap din ng magiging epekto nito sa kampanya ng Pambansang delegasyon ng Pilipinas.
At simula sa araw na ito, sisimulan na rin ng Philippine basketball team ang kanilang kampanyang muling maibalik ang glorya sa larangan ng basketball bagamat ito ay isang suntok sa buwan na adhikain.
Kahapon, inihayag ni National coach Jong Uichico na si Mick Pennisi ang magiging kapalit ni Danny Seigle na napunit ang Achilles tendon.
At handa na silang sagupain ang unang pagsubok -- kontra sa United Arab Emirates -- sa panimula ng basketball event ngayon, isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng Asian Games sa Linggo.
Ngunit hindi lamang sa basketball nakatuon ang pansin ng milyung-milyong Filipino na naghihintay.
Naririyan pa rin ang boxing at billiards kung saan ang dalawang pinakamagagaling na cue artists sa daigdig na sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante ay inaabangan ng lahat. Sina Reyes at Bustamante ay nakatakdang dumating ngayon kung saan makakasama rin nila ang isa pang pag-asa ng bansa na si four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno.
Isa rin ang bowling sa inaasahang magdadala ng karangalan sa ating bansa.
Sa kabilang dako, puspusan pa rin ang paghahanda ng mga atleta para maiahon sa kahihiyan ang ating bansa mula sa hindi magandang resulta noong 1998 Bangkok Asian Games.
Isang ginto lamang ang naitala ng bansa noong Bangkok mula sa tambalang Romeo Villlanueva at Ga-dy Valle sa billiards. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended