Ready na ang Welcoat sa PBL!

Maraming nagrereklamo. Napakahirap daw makakuha ng ticket para sa La Salle-Ateneo games. Wala raw mabili. Laging ang sinasabi eh sold out na ang tickets.

Isang mahilig sa basketball ang bumibili ng ticket at naloka siya nung malaman niyang ang halaga ng ringside ticket ay P5,000. Nakakaloka nga naman yan...

Pero anong magagawa eh sa talagang napakahirap makabili ng ticket kapag ganyang Ateneo at La Salle ang naghaharap.

Kung hindi makabili ng ticket eh di manood na lang sa tv.

Wala pang gastos, safe ka pa sa loob ng kuwarto mo.
* * *
Grabe ang dami ng dumating na players para sa pa-tryout ng Welcoat Paintmasters. Grabe as in grabe.

Diyan mo tuloy mare-realize na ang dami na palang players ang walang team sa ngayon.

Napakarami ang college players na nagnanais makalaro sa PBL. Ang dami rin ng players na nawalan ng trabaho dahil na-disband ang kani-kanilang MBA teams.

Labing-lima lang ang hinahanap na players ng Welcoat pero kahit na tatlong teams, puwede kang makabuo dahil sa dami ng magagaling na players.

Manghihinayang ka sa dami ng magaling na players na hindi mo makukuha dahil 15 nga lang ang kailangan.

Yung ibang PBL teams eh buo na kaya lalong naging mahigpitan ang labanan ng mga players sa tryout.

Ilan sa alam naming nakapirma na sa Welcoat ay sina Ronald Tubid, Ariel Capus, Calijohn Orfrecio, Paul Artadi at Mark Pingris.

Very promising itong si Mark Pingris dahil bukod sa bata pa eh napakatangkad na’t maganda na rin ang galaw. Siya ang lalabas na surprise package ng Welcoat sa pagbubukas muli ng PBL sa Nobyembre.

Na-trim down na sa 20 ang mga nag-tryout para sa team at sa loob ng ilang araw, malalaman na rin kung sino-sino ang papasok na 15 players para sa Welcoat.
* * *
Balitang aayusin na raw ng ilang mga senador at kongresista ang tungkol sa pagpasok ng maraming Fil-Ams at imports sa PBA.

Baka by next year, may bago na silang ruling tungkol diyan.

Maraming local players ang matutuwa niyan, lalo na yung mga college players at PBL players na nangangarap makatuntong sa PBA pero nawawalan ng pag-asa dahil nga sa pagdagsa ng mga Fil-Ams.

Mabuti naman...sana matuloy yan...
* * *
Kamay na bakal na raw ang ipaiiral ng isang UAAP coach sa kanyang team mula ngayon.

Naging mabait daw yata si coach during the past years kaya medyo may umaabuso sa kanyang mga players.

Nung huling laro ng kanyang team, nagsalita na finally si coach at kahit ang sinasabi nilang paborito niya sa team eh nasermunan niya ng husto.

"Kapag may nag-absent ng tuloy-tuloy, tatanggalin ko na sa team. Kahit sino ka pa. Kapag may nagawang mali sa team, out," sabi raw ni coach sa kanyang mga players.

Titingnan natin kung tutuo ngang maipa-iiral ang kamay na bakal na yan.
* * *
Personal: Happy birthday sa aming kaibigang si Jason Webb!

Show comments