Reyes, Bustamante abala sa Oktubre
September 27, 2002 | 12:00am
Magiging abala sina Efren Bata Reyes at Francisco 'Django' Bustamante sa kanilang paglahok sa apat na malalaking tournament sa ibat ibang kontinente.
Tumulak kahapon sina Reyes at Bustamante patungong Busan, South Korea para sa 14th Asian Games.
Magsisimula ang laban sa billiards sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 8 kung saan sina Reyes at Bustamante ay inaasahang makakakuha ng gintong medalya.
Tutungo naman si Bustamante sa Baltimore U.S.A. kung saan isa ito sa walong players na inimbitahan sa 2002 Sudden Death 7-Ball sa October 9.
Tutungo naman sa England sina Reyes at Bustamante para sa World Pool Masters 2002 kung saan defending champion ang huli bago dumiretso sa Warsaw, Poland para sa World Pool League ang una.
Nakatakda ang World Pool Masters sa Woughton Center, Milton Kaynes sa October 18-20 kung saan may 16 players na maglalaban sa $15,000 top prize.
Pangungunahan naman ni Reyes ang anim na players sa World Pool League na maglalaban sa $15,000 top prize.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended