Mahigit sa 30 mula sa 47 Filipino athletes at opisyales ang dumating na dito noon pang Linggo sa pangunguna ni Chef de Mission Tomas Carrasco na dadalo sa flag-raising ceremony sa alas-10 ng umaga (alas-9 ng umaga sa Manila).
Ang mga Pilipino na magsusuot ng kani-kanilang parade uniforms sa opening ceremony ng 14th Asian Games sa Linggo ay sasalubungin ni Village Mayor Wang Saneun makaraang itaas ang bandila ng bansa kasabay ng pag-awit ng Pambansang awit.
Matapos na magbigay ng maikling pananalita si Carrasco, magkakaroon ng palitan ng souvenir gifts sa pagitan ni Mayor Wang at ng Pilipino delegation chief.
Itinalaga ni Carrasco si Fil-Am boxer Christopher Camat upang mag-turn over ng Philippine flag sa Organizing Committee flag-hoister.
Ang nalalabing 327-man RP delegation ay nakatakdang dumating ngayon at sa Oct. 6. Darating ngayong araw ang pro-basketball team na mayroong nakatakdang unang laro kontra sa United Arab Emirates sa Sabado.
Ang pinakamalaking bilang ng delegasyon na aabot sa 115 ay darating naman bukas.