^

PSN Palaro

RP flag itataas na sa Flag-Plaza

-
BUSAN--Magiging opisyal ngayon ang presensiya ng Pilipinas sa Asian Games Athletes Village kung saan ang bandila ng bansa ay iwawa-gayway sa Flag-Plaza simula ngayong araw.

Mahigit sa 30 mula sa 47 Filipino athletes at opisyales ang dumating na dito noon pang Linggo sa pangunguna ni Chef de Mission Tomas Carrasco na dadalo sa flag-raising ceremony sa alas-10 ng umaga (alas-9 ng umaga sa Manila).

Ang mga Pilipino na magsusuot ng kani-kanilang parade uniforms sa opening ceremony ng 14th Asian Games sa Linggo ay sasalubungin ni Village Mayor Wang Saneun makaraang itaas ang bandila ng bansa kasabay ng pag-awit ng Pambansang awit.

Matapos na magbigay ng maikling pananalita si Carrasco, magkakaroon ng palitan ng souvenir gifts sa pagitan ni Mayor Wang at ng Pilipino delegation chief.

Itinalaga ni Carrasco si Fil-Am boxer Christopher Camat upang mag-turn over ng Philippine flag sa Organizing Committee flag-hoister.

Ang nalalabing 327-man RP delegation ay nakatakdang dumating ngayon at sa Oct. 6. Darating ngayong araw ang pro-basketball team na mayroong nakatakdang unang laro kontra sa United Arab Emirates sa Sabado.

Ang pinakamalaking bilang ng delegasyon na aabot sa 115 ay darating naman bukas.

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES ATHLETES VILLAGE

CARRASCO

CHRISTOPHER CAMAT

LINGGO

MAYOR WANG

MISSION TOMAS CARRASCO

ORGANIZING COMMITTEE

PILIPINO

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with