2 batang sailors magbabandera
September 25, 2002 | 12:00am
BUSAN -- Madalang lamang na makakita ng dalawang bata -- isang babae at isang lalaki -- na magdadala ng Philippine colors sa prestihiyosong quadrennial event gaya ng Asian Games.
Ngunit mas nakakamangha na sa kanilang kamusmusan ay na-develop na nila ang kanilang special skill sa sport na sailing.
Ang dalawang batang ito -- ang 15-gulang na si Joseph Jayson Villena at 13-gulang na si Lealyn Taroja -- ay hindi natatakot at may kumpiyansa sa kanilang nakatakdang paglahok sa boys and girls optimist competition sa 14th Asian Games dito.
"Basta malakas ang hangin, malakas ang pag-asa kong manalo," pahayag ng 5-foot-2 na si Villena, isang chemical engineering freshman sa National University. "Hindi ako takot sa mga kalaban kahit malakas sila, lalo na yung taga-Singapore."
Ito ang ikalawang international outing pa lamang ni Villena ngunit hindi ito nag-aalala. "Nasa diskarte yan," aniya na tinutukoy ang estratehiya sa pagmam-neho ng 3-metrong fibergall boat na may sail at rudder sa isang linggong kompetisyon na minsan ay inaabot ng pitong oras sa isang araw depende sa ihip ng hangin.
Tulad ni Villena, kumpiyansa rin si Taroja, anak ng dating sailor na nagdiwang ng kanyang kaarawan dito noong Lunes. "Hindi po ako kinakabahan dahil puno ako sa ensayo at talo ko lahat ang kalaban ko sa atin," ani Lealyn na sabik ding magpakitang gilas sa kanyang unang international campaign.
Ang dalawa pang RP sailors ay sina Ridgely Balladares at Rommel Chaves ay lalahok naman sa 470 at open doubles event.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended