^

PSN Palaro

Mananatiling may laban ang RP-5 sa Busan Games

-
Kalimutan na ang isang malaking pagkawala sa RP basketball team na ipapadala sa Asian Games.

Para kay Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Jun Bernardino, ang ikaapat na all-pro squad na sasabak sa Asiad ay nananatili pa ring major contender para sa gold medal kahit na wala na si Danny Seigle.

Nasabi ito ni Bernardino dahil mayroon itong dalawang rason, una ay naniniwala ito sa kakayahan ng Fil-Am reinforced team at ang isa pa ay laganap ngayon ang upset sa mundo ng basketball.

Malay natin, baka mangyari din ito sa Busan, South Korea.

"This is the year of the upsets," pahayag ni Bernardino sa PSA Forum kahapon na lingguhang ginaganap sa Holiday Inn na tinutukoy ang sorpresang pagkatalo ng powerhouse U.S. team sa nakaraang World Basketball Championships sa Indianapolis.

Sinilat din ng Ateneo ang four-time defending champion De La Salle upang ipagkait ang 14-game sweep sa UAAP men’s basketball eliminations at isa na ring malaking upset ang ginawa ng Talk ‘N Text na pinuwersa sa Game-Seven ang pinapaborang Red Bull sa nakaraang Commissioner’s Cup finals.

Ang mga kaganapang ito ayon kay Bernardino ay isang magandang pangitain para sa kampanya ng bansa na wakasan ang 40-taong pagkauhaw sa gintong medalya sa Asian Games na huling natikman ng Filipino team na kinabibilangan nina Caloy Loyzaga, ang bata pa nuong si Rhoel Nadurata noong 1962.

Naniniwala si Bernardino na siyang tatayong team manager ng RP Five na kahit naririyan pa ang mga National Basketball Association players Menk Bateer at top rookie pick Yao Ming ay kayang talunin ang China na hindi naging impresibo sa nakaraang World Basketball Championships.

"Hope springs eternal, They (Chinese) are unbeatable. Every team, in fact, is beatable in this (Asian) Games," dagdag ni Bernardino sa Forum na sponsored ng Red Bull, Agfa at Pioneer Insurance.

Ang basketball team ay aalis ngayon patungong Busan, South Korea.

Nakatakda nilang harapin ang United Arab Emirates sa Setyembre 28, isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng Asiad.

vuukle comment

ASIAD

ASIAN GAMES

BASKETBALL

BERNARDINO

BUSAN

CALOY LOYZAGA

DANNY SEIGLE

RED BULL

SOUTH KOREA

WORLD BASKETBALL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with