^

PSN Palaro

"The fight did not die with Danny" - Uichico

-
"The fight did not die with Danny."

Ito ang pahayag ni National basketball coach Jong Uichico na determinado pa rin sa kampanya ng RP-Team Selecta na ibalik sa bansa ang glorya sa basketball sa likod ng isang malaking pagkawala.

Hindi na makakasama ng RP team si Danny Seigle bunga ng kanyang masamang injury na tinamo sa kanilang exhibition game laban sa Qatar noong Linggo.

Gayunpaman, sinabi ni Uichico na tuloy pa rin ang kanilang laban sa Asian Games kung saan magsisimula ang kanilang kampanya sa September 28 kalaban ang United Arab Emirates.

"I have to admit that Danny Seigle is a big loss to the team," ani Uichico. "But we still have the team. We will go to Busan fighting."

Inoperahan ang napunit na ‘achilles tendon’ (ang litid sa itaas ng bukung-bukong) kahapon sa St. Lukes Medical Center at ayon sa mga doktor, aabot ng anim na buwan bago makabalik sa aksiyon si Seigle.

Ito’y nangangahulugang bukod sa hindi na makakalaro si Seigle sa Busan Games, hindi na rin ito masisilayan sa All- Filipino Cup kaya sa susunod na season na ito makakapaglaro.

"What we will miss most is his flexibility. Danny is a creative scorer, he knows what to do with the ball when the shot-clock winds down," sabi pa ni Uichico. "But there are a lot of people ready to fill in his role. So we just have to double our efforts."

Posibleng pumalit si Kenneth Duremdes ang pumalit sa small forward position na binakante ni Seigle at sinabi nitong, "physically handa na ako to take Danny Seigle’s place." (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ASIAN GAMES

BUSAN GAMES

CARMELA V

DANNY SEIGLE

FILIPINO CUP

JONG UICHICO

SEIGLE

UICHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with