Ini-release ng Chief Executive ang ikalawa at huling bahagi ng Athletes Incentives Act (R.A. 9064) para sa 28 retired athletes na nagbigay ng karangalan sa bansa nung kanilang kapanahunan na siyang magiging inspirasyon ng mga bagong batch ng atleta na sasabak ngayon sa September 29-October 14 Games.
Ang mga retired athletes na kinabibilangan nina Mona Sulaiman at Lydia de Vega Mercado, mga dating pambato sa athletics, boxing champions Anthony Villanueva at magkapatid na Roel at Mansueto Velasco ay tumanggap ng kanilang mga tseke mula kay Philippine Sports Commission Eric Buhain sa pagtatapos ng 17-day nationwide torch relay sa Quirino Grandstand kamakalawa.
Ang iba pang atleta na tumanggap ng kani-kanilang bahagi ay sina Andres Franco, Lolita Algrosas, Romeo Villanueva, Olivia "Bong" Coo, Rafael "Paeng" Nepomuceno, Lolita Reformado, Renato Reyes, Paulo Valdez, Manfredo Alipala, Rodolfo Arpon, Leopoldo Cantancio, Reynaldo Galido, Elias Recaido, Leopoldo Serrantes, Rolando Gueves, Raymundo Deyro, Jacinto Cayco, Haydee Coloso Espino, Jairulla Jaitula, Gertudes Lozada, Stephen Fernandez, Donald David Geisler at Rolly Chulhang.