^

PSN Palaro

Asian Games coverage ng NBN sisimula sa Sept.29

-
Sisimulan ng National Broadcasting Network ang mga kaganapan sa Busan Asian Games sa Manila sa September 29.

Inihayag kahapon ni NBN Chairman Mia Concio ang magarbong preparasyon para sa coverage ng quadrennial meet mula sa opening ceremonies sa September 29 hanggang sa pagtatapos nito sa October 14.

Bukod sa komprehensibong coverage ng Asiad sa NBN studio na anchored nina Quinito Henson at Chiqui Roa, magkakaroon ang government network ng satellite studios sa Glorietta, Megamall, Robinson’s Galleria at sa Korean Embassy.

"One Nation, One Campaign, One Team. Our aim here is not just to bring the Asian Games coverage to the Filipino homes but to encourage national pride by making the whole 75 million Filipinos feel that they are part of the campaign for the gold," ani Concio.

Nag-book ang NBN ng 24-hour satellite transponder space upang mai-transmit ang mga kaganapan sa Asian Games mula sa Busan sa kanilang studios sa Quezon City.

Magkakaroon ng giant screens sa mga satellite studios upang laging ma-update ang mga manonood ng mga pangyayari sa Asiad.

Naglaan ang NBN ng 10 oras araw-araw para sa telecast ng Games mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali at magpapatuloy sa ala-1:30 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Pagkatapos ng TeleDyaryo mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng gabi, itutuloy ng NBN ang coverage para sa day’s recap ng Asiad mula alas-10:00 hang-gang alas-12:00 ng gabi.

Isang araw bago ang pormal na pagbubukas ng Asian Games sa September 29, ipapalabas ng NBN ng live via satellite ang opening match ng RP team kontra sa United Arab Emirates.

Magsisimula ang telecast ng NBN sa alas-3:00 ng hapon sa September 29 bago ang opening ceremonies.

ALAS

ASIAD

ASIAN GAMES

BUSAN ASIAN GAMES

CHAIRMAN MIA CONCIO

CHIQUI ROA

KOREAN EMBASSY

NATIONAL BROADCASTING NETWORK

NBN

ONE CAMPAIGN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with