Ateneo vs DLSU sa UAAP finals
September 23, 2002 | 12:00am
Isang buzzer beating jumper ni Jec Chia ang naging tuntungan ng Ateneo de Manila University sa 72-70 tagumpay kontra sa University of the East na siyang nagtakda ng isa na namang klasikong championship series sa UAAP mens basketball tournament.
Kinumpleto ng Blue Eagles ang dalawang panalong kailangan para madispatsa ang UE Warriors na may twice-to-beat advantage upang isaayos ang kanilang finals rematch ng defending champion De La Salle University.
Buhat sa 70-all pagtatabla, nabigong makaiskor sina James Yap at Paul Artadi para iangat ang East.
May 7.8 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro nang pasa-han ni L.A. Tenorio si Chia na siyang umiskor ng winning basket sa harap ng depensa ni Olan Omiping kasunod ng pagtunog ng final buzzer.
Samantala, itinakda ng Ateneo Blue Eaglets at UP Integrated School ang kanilang best-of-three finals showdown matapos ang kanilang magkahiwalay na panalo kontra sa magkahiwalay na kalaban sa Final Four ng juniors division.
Tinalo ng Eaglets ang Adamson Baby Falcons sa overtime game, 61-59 habang pinasadsad na-man ng UPIS Baby Maroons ang UST Tiger Cubs, 83-70.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended