Isa pang pagsubok ng Nationals bago magtungo sa Asian Games
September 22, 2002 | 12:00am
Bago tumulak ang RP team Selecta sa isang malaking giyera sa Busan, South Korea sa kanilang paglahok sa Asian Games, masusukat sa kahuli-hulihang pagkakataon ang kanilang kakayahang mabawi ang glorya ng bansa sa larangan ng basketball sa Asya.
Makikipagtuos ngayon ang Nationals kontra sa Qatar sa una sa kani-lang dalawang exhibition matches bilang huling paghahanda sa kanilang pagsabak sa Asiad na magsisimula sa September 29 hanggang October 14.
Nakatakda ang laban sa alas-7:00 ng gabi pagkatapos ng aksiyon sa UAAP basketball tournament sa Araneta Coliseum at muling magtu-tuos sa PhilSports Arena sa Pasig bukas.
Nauna nang kinalaban ng Nationals ang Chinese-Taipei na dalawang beses nilang tinalo kasunod ang koponan ng Melbourne Tigers mula sa Australia kung saan nakabawi naman sila sa kanilang naunang pagka-talo.
Inaasahang pangungunahan nina Danny Seigle, Eric Menk, Paul Asi Taulava, Kenneth Duremdes at Olsen Racela ang National team laban sa Qatar na posible nilang makalaban sa quarterfinals sa Asian Games.
Ang Qatar ay babanderahan ni Ismael Mahmoud, isa sa pinaka-mahusay na manlalaro sa rehiyon ngayon.
Makakatulong ni Mahmoud si Hashim Zaidan Basher, isang two-time slam dunk champion ng ABC na sasabak kontra San Miguels Joey Mente para sa local slam dunk competition sa halftime. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended